Jessy, na-depress sa paglobo!

Jessy, na-depress sa paglobo!

December 5, 2022 @ 8:03 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Inamin ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao ay may mga pagkakataon na nade-depress at nalulungkot siya lalo na kapag nakikita niya ang sarili sa salamin. Palaki na kasi nang palaki ang kanyang katawan, hindi na siya sexy gaya noon, na hindi pa siya buntis.

Sabi ni Jessy sa kanyang Instagram account, “As in dati, may abs ako tapos naka-swimsuit pa ako lagi. May mga bikini pictures pa ako.

“I really get insecure. People are saying kapag buntis ka, dapat lagi kang masaya. Pero honestly, mahirap sa akin tanggapin na talagang lalaki ako or magbabago ‘yung itsura ko.”

Ngunit habang lumolobo na nga ang kanyang tummy ay unti-unti rin niyang natatanggap ang mga pagababago sa kanyang katawan at naniniwala siya na worth it ang lahat ng hirap at sakripisyo na ginagawa niya kapag isinilang na ang first baby nila ni Luis Manzano.

“Hindi madali sa simula na tanggapin na magbabago ‘yung katawan mo. Mas lalo na kung you were active before the pregnancy.

“As months go by, kapag nakikita mong lumalaki ‘yung tiyan mo, doon mo maiisip na it’s all worth it kasi you are carrying a human inside of you,” pahayag pa ni Jessy. Rommel Placente