Jessy, nanganak na!

Jessy, nanganak na!

January 8, 2023 @ 11:04 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Dumating na ang pinakahihintay ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano: ang pagsipot sa Christian world ng kanilang baby na pinangalanan nilang Isabella Rose.

Isinilang ni Jessy si Isabella Rose Tawile Manzano nitong January 7.

Tawile is Jessy’s real last name.

Taliwas ito sa naunang ulat ni Cristy Fermin na nanganak si Jessy bago mag-Bagong Taon.

Ibinahagi ni Jessy sa Instagram ang magandang balita kasama ng litrato ng sanggol na bahagyang nakikita.

She posted: “I never knew I could love like this.”

Simpleng “Hi Baby Peanut!” naman ang post ni Luis.

Matatandaang August 11 sa kanyang YouTube channel ay inanunsyo ni Jessy na magiging isa na siyang ganap na ina.

Ipinakita pa niya ang sonogram ng sanggol na nasa sinapupunan niya.

February 21 noong isang taon nang ikasal sina Luis at Jessy sa The Farm sa San Benito, Lipa City sa Batangas.

Bago ang panganganak ni Jessy, wish ni Luis na mamana sana ni Baby Peanut ang makinis na kutis ng ina niyang si Vilma Santos-Recto.

As for Vilma na isa nang ganap na lola, “Momsie” ang gusto niyang itawag ng apo sa kanya as opposed to Momshie na tawag sa kanya ng mga anak at pamangkin.

About two months ago, the Manzano couple had a customized van ordered bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang firstborn para raw kumportable silang bumibiyahe kasama ang baby. Ronnie Carrasco III