Jillian, tensyonado sa show!

Jillian, tensyonado sa show!

September 3, 2022 @ 10:34 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sakto ang apelyido ni Jillian bilang Ward.

Since it is associated with hospitals, swak sa kanya ang role bilang batang genius surgeon sa aabangang afternoon medical series ng GMA, ang Abot Kamay na Pangarap.

Pero mind you, hindi raw ganoon kadali para kay Jillian na gampanan ang role.

Hindi kaila sa marami na kadalasa’y sinisilip ng mga taong may nalalaman sa medisina ang ganitong uri ng palabas.

Kuwento nga ni Jillian, kinailangan niyang sumailalim sa immersion.

Hindi raw niya malilimutan nang saksihan niya ng live ang isang brain surgery the way it was being performed.

Puwera pa raw dito ang pagsasaulo ng mga medical terms.

Of the scenes she has so far appeared in, ang kinukonsider ni Jillian as the hardest ay kuha sa emergency room, kung saan tensyonado ang lahat.

Bilang surgeon, nagbibigay siya ng instructions which medicines to administer.

It required kilometric lines na kaillangan niyang memoryahin, blocking na kailangan niyang sundin at tamang emosyon na kailangang ilabas.

Sey ni Jillian, ‘yung lagay na ‘yon ay role pa lang, paano na raw kung nasa medical field siya mismo?

Well, that’s the challenge of being an actor! Ronnie Carrasco III