Jimenez tanggalin sa pwesto sa gitna ng debate mess probe – Bulay

Jimenez tanggalin sa pwesto sa gitna ng debate mess probe – Bulay

April 29, 2022 @ 2:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay na tanggalin sa puwesto sina Director James Jimenez at Frances Arabe kaugnay ng kontrobersiyang naging dahilan ng pagkansela ng huling presidential at vice presidential debates.

May mga tungkulin sina Jimenez at Arabe na kinasasangkutan ng media relations at exposure. Ani Dulay na ang kanyang rekomendasyon ay upang matiyak na walang kinikilingan na gagawing imbestigasyon.

“To continue the duties of Directors Jimenez and Arabe in the Education and Information Department (EID), it was recommended that temporary replacements be designated,” ani Bulay ngayong Biyernes.

“Albeit, to prevent disruption in the essential election operations, the elections being a few days away, Director Jimenez and Arabe were recommended to continue other functions under the supervision of their committee heads.”

Si Jimenez ang siyang nagsisilbing tagapagsalita ng poll body.

Ang town hall debate — na huling debate sana bago ang halalan sa Mayo 9 — ay orihinal na naka-iskedyul para sa Abril 23 at 24 ngunit inilipat sa Abril 30 at Mayo 1 bago tuluyang itinigil at ginawa na lamang na panel interview.

Ang nasabing desisyon ay nag-ugat sa diumano’y kabiguan ng Impact Hub Manila, ang pribadong partner ng Comelec para sa mga debate, na ganap na bayaran ang Sofitel Garden Plaza para sa mga serbisyong ibinigay nito bilang opisyal na lugar ng mga nakaraang debate. RNT