Jimin ng BTS, positibo sa COVID-19!

Jimin ng BTS, positibo sa COVID-19!

February 1, 2022 @ 8:22 AM 8 months ago


Seoul, South Korea — Hindi nakaligtas ang isa sa mga vocalist-dancers ng K-pop group na BTS, na si Jimin, dahil positibo ito sa COVID-19, ayon sa BIGHIT Music.

FYI ay nagpa-opera rin si Jimin ng kanyang appendix.

“Jimin experienced sudden abdominal pain along with a mild sore throat on Jan. 30 in the afternoon. He visited a hospital emergency room for thorough examination, and also took a PCR test,” sabi ng statement ng BIGHIT Music.

“Jimin was diagnosed with acute appendicitis, and was tested positive for COVID-19. He underwent surgery following physician’s advice early morning on Monday, Jan. 31,” sabi pa sa statement.

Ayon pa sa BIGHIT Music ay nagpapagaling na si Jimin at hindi naman na-expose sa iba pang BTS members during the infectious stage.

Other BTS members also previously tested positive for the virus.

Sina Suga, RM at Jin ng BTS ay tinamaan din ng COVID-19 noon ngunit ligtas na! Joey Sarmiento