Jinggoy: Dapat 1 Estrada lang ang tatakbo sa pagka-senador

Jinggoy: Dapat 1 Estrada lang ang tatakbo sa pagka-senador

July 7, 2021 @ 11:46 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Ipinahaging na ni Former Sen. Jinggoy Estrada na muli siyang tatakbo sa pagka-senador sa botohan sa 2022.

Kasabay nito ay umaasa siya na mareresolba na ang kanyang kaso sa pork barrel bago pa ang paghahain ng certificates of candidacy sa Oktubre.

Nahikayat aniya siya sa mga survey na nagpapakitang pasok pa rin siya sa “winning” circle at sinabing mayroon pa siyang “unfinished business” salawmaking chamber.

Maaalalang tumakbo ito noong 2019 ngunit bigong nakapasok sa top 12.

“There is a strong possibility that I might run for the Senate again…I’m inclined to run,” lahad pa nito sa ANC’s Headstart.

Binuksan din nito ang usapin tungkol sa kanyang kapatid na si JV Ejercito.

Punto nito, hindi pa niya nakakausap ang kapatid ngunit sinabing ang pagtakbo ng JV ay may malaking salik sa kanyang balak.

“Mabuti na ‘yung iisa lang ang Estrada ang tumakbo kasi minsan nalilito ang ating mga botante kung sino sa aming dalawa. Siguro it’s high time that we get to talk to each other.” RNT/FGDC