Jinggoy dumalaw sa burol ng nasawing Bulacan rescuers

Jinggoy dumalaw sa burol ng nasawing Bulacan rescuers

October 1, 2022 @ 11:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binisita ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada sa KB Gym sa Malolos, Bulacan nitong Biyernes ang mga labi ng apat sa limang rescue workers na namatay sa San Miguel Bulacan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding.

Kabilang sa mga rescuer sina George E. Agustin, Troy Justin P. Agustin, Marby B. Bartolome, Jerson L. Resurrecion at Narciso Calayag Jr., kapwa miyembro ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na nasawi sa pagtugon sa flood-hit villages sa San Miguel, Bulacan sa kasagsagan ng bagyong Karding. Cesar Morales