Jinggoy Estrada: Hostage-taking kay De Lima imbestigahan

Jinggoy Estrada: Hostage-taking kay De Lima imbestigahan

October 13, 2022 @ 2:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihirit ni Senator Jinggoy Estrada nitong Huwebes ang Senate investigation sa insidente sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center kung saan binihag si dating senador Leila de Lima.

Sa paghahain ng  Resolution 258, inihayag ni Estrada na ang Senado ay mayroong “oversight powers” sa pag-review sa security at safety measures sa loob ng national headquarters ng police organization ng bansa.

“While our police officers demonstrated swift and decisive action during a crisis situation, the incident nonetheless reflects poorly on our police organization’s capacity to perform their mandate of preventing crimes, enforcing laws, maintaining public order, and ensuring public safety,” aniya sa isang press release.

Binigyang-diin ni Estrada na kinakailangang maiwasan na hindi na maulit ang anumang  marahas na insidente sa loob ng Camp Crame. Nangangamba rin siya na may nagaganap na pagmamaltrato sa mga preso sa loob ng PNP Custodial Center.

“The police organization should inspire confidence through the institutionalization of strict security protocols in PNP detention facilities, adequate training and capacity-building of its officers and personnel, and humane treatment of persons under police custody, being respectful of their religious beliefs and cultural practices,” pahayag niya.

Binihag si De Lima sa loob ng detention facility nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan, at Feliciano Sulayao na  kapwa nasawi sa pagresponde ng mga awtoridad.

Naglunsad na ang PNP ng malalim na imbestigasyon ukol sa insidente. RNT/SA