Jinggoy sa 6 na-deport na POGO workers: ‘Bakit anim lang?’

Jinggoy sa 6 na-deport na POGO workers: ‘Bakit anim lang?’

October 20, 2022 @ 5:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinauwi ang anim na Chinese nationals na illegal workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) wkamakaila. Subalit, para sa mambabatas, kulang deportation efforts ng pamahalaan.

“Bakit anim lang? There are a lot of illegal POGOs operating here. I believe there are a lot of illegal workers or Chinese workers working in the country without any documents,” ani Senator Jinggoy Estrada.

“Palagay ko kulang ang anim,” aniya pa.

Ang unang batch ng deportees ay lumipad sa Wuhan, China, alas-2:40 ng hapon nitong Miyerkules mula sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Inihayag ng Bureau of Immigration na 372 foreign nationals ang nakatadang i-deport, kabilang ang 331 Chinese at 41 pang lahi na naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulis nitong Setyembre.

Nauna na ring inihayag ng bureau na kakanselahin nito ang visa ng mahigit 48,000 foreign nationals mula sa illegal POGOs. RNT/SA