Jinggoy sa DMW: ‘Dummy’ Pinoy owners ng recruitment agencies, imbestigahan

Jinggoy sa DMW: ‘Dummy’ Pinoy owners ng recruitment agencies, imbestigahan

February 9, 2023 @ 4:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dapat imbestigahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang “dummy” Filipino owners ng recruitment agencies, ayon kay Senator Jinggoy Estrada.

“Let’s just request the DMW to scrutinize the recruitment agencies, whether the proprietors of these recruitment agencies have the financial capability to run its operations,” pahayag ni Estrada sa hearing nitong Miyerkules.

Sa ilalim ng Labor Code ng bansa, tanging Filipino citizens lamang ang makakukuha ng lisensya para magpatakbo ng recruitment agencies na may minimum capital na P5 milyon.

Ayon sa DMW, babawiin ang lisensya ng recruitment agencies at ilalagay ang incorporators sa derogatory kapag lumabag ang mga ito.

Inihayag ni Estrada ang pagkabahala sa recruitment agencies matapos patayin si Jullebee Ranara, isang household helper sa Kuwait, ng 17-anyos na anak ng kanyang employer.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng DMW, hindi nakasunod ang local at foreign recruitment agencies fni Ranara sa compulsory monitoring requirements ng deployed workers. RNT/SA