Jinggoy sa imbestigasyon sa bank accounts ni Erap: ‘They can open everything’

Jinggoy sa imbestigasyon sa bank accounts ni Erap: ‘They can open everything’

July 5, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada nitong Lunes na ang kanyang pamilya ay “unfazed” sa utos ng Supreme Court na ituloy ang imbestigasyon sa bank accounts ng kanyang ama na si former President Joseph Estrada.

Sinabi ng senador na walang miyembro ng kanilang pamilya ang nakakaalam ng desisyon ng SC subalit aniya, handa silang harapin ito.

“Nobody knows. Even our lawyers do not know about it…We are totally unfazed. They can open everything,” giit niya.

Inilabas ng SC nitong nakaraang linggo ang desisyon nito na nag-uutos sa Office of the Ombudsman na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa bank accounts ni Estrada at ng umano’y “mistresses” niya.

Ibinasura ng High Tribunal ang petisyon ng Philippine National Bank, na dating Allied Banking Corporation, na humamon sa ruling ng Ombudsman na nag-uutos sa banko na maglabas ng tala ng savings, current, time deposit, trust at foreign currency deposits sa pangalan ng dating chief executive, maging nina Jose Velarde, Laarni Enriquez, Guia Gomez, Joe Melendrez, Peachy Osorio, Rowena Lopez, at Kevin o Kelvin Garcia. RNT/SA