Jinkee at Manny, nakipag-bonding kay Ji Chang-wook!

Jinkee at Manny, nakipag-bonding kay Ji Chang-wook!

December 15, 2022 @ 1:58 PM 2 months ago


Seoul, South Korea – Naka-dinner at naka-bonding ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa South Korea si Ji Chang-wook, ang sikat na Korean drama actor na siyang kinababaliwan ngayon ng mga Pinoy fans.

Kasama nina Manny at Jinkee si Mommy Dionisia at si Janet, ang kambal ng asawa ng Pambansang Kamao.

Nangyari ang dinner pagkatapos ng exhibition fight ng Pambansang Kamao kay Korean mixed martial artist na si DK Yoo.

Nagpunta rin ang grupo ni Manny sa Itaewon.

“Had the honor to visit Itaewon and show my respect to the 158 lives that were lost on October 29 here in South Korea,” post ng Pambansang Kamao

Ang balita ay maraming Korean celebrities ang nanood ng exhibition fight nina Manny at DK at kabilang daw du’n ang dalawang sikat na BTS member.

Nandun din si Arci Munoz na kasama ang bagong boyfriend na si Seth Shannon Jamora na kamag-anak pala ni Jinkee. Kaya hindi na nakapagtataka na kasama sa tropa ni Manny si Arci.

Bale ba na hindi yun ang first time na nag-hangout sina Manny at JInkee with Ji-Chang-wook.

Samantala, balitang naibenta na ang mansion nina Manny at Jinkee sa Forbes Park sa halagang P1 billion pesos.

Isang super rich na businessman sa Indonesia ang nakabili ng napakalaking mansion nina Manny at Jinkee sa Forbes Park.

May ilang netizen naman ang nakasilip ng ipinost ni Jinkee na mistulang nagsu-supervise sa pagpapagawa ng bagong mansion na matatagpuan pa din sa area ng Forbes Park. Siguro ay napagtanto nina Manny at JInkee na hindi nila kailangan ng napakalaking mansion para tirhan, kaya mas maliit ito kumpara sa ibinenta nilang mansion. Gerry Ocampo