Jinkee, nagregalo ng datung kay Annabelle!

Jinkee, nagregalo ng datung kay Annabelle!

October 29, 2022 @ 7:45 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Wala na talagang tatalo sa pagiging karakter ni Annabelle Rama.

Days before her bonggang celebration ay kausap niya sa telepono ang inimbitahang si Senator Bong Revilla na nangakong pupunta sa venue ng party.

Takang-taka ang feisty showbiz mom kung bakit alam ni Bong na 70 years old na siya.

Ang hindi maalala ni Annabelle, siya mismo ang nagbuko sa edad niya.

Hindi naka-attend si Bong sa party held at the Manila Hauz at the BGC in Taguig.

Nagkataon kasing namatay ang bayaw niya na asawa ng kanyang sister na si Rowena.

But Bong promised her a gift.

Speaking of which ay may nagtanong kay Annabelle which branded bag ang iniregalo sa kanya ni Jinkee Pacquiao.

Sagot niya sa nagtanong, hindi bag kundi pera raw ang regalo nito sa kanya.

Fast forward.

Nagtataka si Annabelle kung paanong kumalat na pera ang birthday gift sa kanya ni Jinkee.

Nagkaroon yata siya ng memory lapses dahil siya rin naman mismo ang pinanggaligan ng tsika.

Si Annabelle talaga, oo…nakakaloka! Ronnie Carrasco III