Jisoo ng Blackpink, bibida sa teleserye!

Jisoo ng Blackpink, bibida sa teleserye!

December 2, 2020 @ 4:25 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea – Madadagdagan na naman ang kasikatan ng all-girl K-pop band na Blackpink.

Sa ngayon, ang Blackpink na ang itinuturing na pinakasikat na all-girl band dahil sa pagna-no. 1 nila sa halos lahat ng global charts. Malaki kasi ang benta ng album nila at marami ring views ang music videos nila sa YouTube at sa iba pang music streaming platforms.

Ang limang babaeng miyembro ng Blackpink ay individual endorsers din ng maraming produkto, pati na rin ng global fashion lines and beauty products.

Nakatakda nang mapanood ang Blackpink member na si Jisoo sa upcoming K-drama na “Snowdrop.”

Ang “Snowdrop” ay tungkol sa isang estudyanteng lalake (gagampanan ng heartthrob actor na si Jung Hae-in) sa isang upper class university na isang araw ay bigla na lang sumulpot sa dormitoryong pambabae sa unibersidad na ‘yon. Pero duguan siya.

Sa gitna ng kaguluhan, lihim na namukhaan siya ng isa sa mga babae, si Eun Young Ho (gagampanan ni Jisoo) at nagawaan n’ya ng paraan na maitago ang duguang lalake, linisin ang katawan nito, at gamutin ang mga sugat.

Dekada 80 ang time setting ng drama at ang istorya ay batay umano sa isang matinding student riot sa South Korea. Historical romance drama ang TV series na sa kalagitnaan ng 2021 nakatakdang itanghal.

Pinananabikan umano ang serye dahil proyekto ito ng team na lumikha ng K-drama na “Sky Castle” na sinasabing isa sa ‘Korean cable television’s highest rated K-dramas.’

Sikat umano sa South Korea ang lead cast nito na kinabibilangan din nina Kim Hye-yoon at Yoon Se-ah na parehong nasa cast ng “Sky Castle.”

May usap-usapan sa South Korea na ang appeal ng “Snowdrop” ay kasing tindi ng “Crash Landing on You” at malamang ay bilhin ito ng Netflix for international on-demand video screening.

Ayon sa ulat sa mga website sa South Korea, maraming sikat na aktres ang nag-audition para maging lead actress ng serye pero si Jisoon ang napili ng mga prodyuser.

Si Jung Hae-in ay nakatakdang dumating sa Pilipinas para sa isang fan meeting nu’ng Setyembre pero ‘di natuloy dahil sa pandemya ng Covid-19. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...