J&J booster 85% mabisa vs Omicron hospitalisation- S. Africa

J&J booster 85% mabisa vs Omicron hospitalisation- S. Africa

January 16, 2022 @ 12:36 PM 7 months ago


JOHANNESBURG- Inilahad ng pinuno ng South Africa’s Medical Research Council (SAMRC) nitong Sabado na 85 porsyentong epektibo ang Johnson and Johnson coronavirus disease (COVID-19) vaccine booster laban sa pagkaka-ospital sanhi ng Omicron variant isa hanggang dalawang buwan matapos maturukan nito.

Ipinakita ni Glenda Gray ang resulta ng pag-aaral ng SAMRC sa South African health ministry briefing sa ika-apat na wave ng COVID-19, dulot ng bagong variant.

“We saw an 85% vaccine effectiveness and we saw that this kind of vaccine effectiveness is maintained for up to two months,” aniya. “We are very happy to report very high levels of vaccine effectiveness against Omicron.”

Kabilang sa pag-aaral ang 477,234 healthcare workers, na bakunado lahat ng J&J shot, kung saan 236,000 ang naturukan ng J&J booster shot.

Batay sa bilang ng mga healthcare workers  na tinamaan ng COVID-19 sa ika-apat na wave nito,  nabawasan ng 63 porsyento ang bilang ng mga naospital na naturukan ng J&J booster sa unang dalawang linggo ng pagkakaturok nito, at hanggang 85 porsyento sa pagitan ng isa hanggang dalawang buwan.

“This is the world’s first evidence of vaccine effectiveness (against Omicron) using the J&J vaccine,” pahayag ni Gray. RNT/SA