J&J COVID vax production pansamantalang itinigil

J&J COVID vax production pansamantalang itinigil

February 9, 2022 @ 10:43 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tahimik na isinara umano ng Johnson & Johnson noong nakaraang taon ang nag-iisang planta na gumagawa ng kanilang COVID-19 vaccine, ayon sa New York Times.

Sa kabilang banda, sinabi sa ulat na ang nasabing paghinto ng operasyon sa paggawa ng nasabing bakuna sa planta sa Leiden ay pansamantala lang at muling babalik makalipas ang ilang buwan.

Ang J&J ay kasalukuyang mayroong milyun-milyong doses ng bakunang COVID-19 nito sa imbentaryo at patuloy itong nagbibigay sa lahat ng fill-and-finish na mga site nito, kabilang ang Aspen, ng sangkap ng gamot na kinakailangan upang makagawa ng shot nito, ayon naman sa pahayag ng kompanya..

“Patuloy naming tinutupad ang aming mga obligasyong kontraktwal na may kaugnayan COVAX facility at African Union,” sabi ni J&J.

Ang pasilidad, sa Dutch city ng Leiden, ay sa halip ay gumagawa ng isang eksperimental ngunit potensyal na mas kumitang bakuna, ayon sa ulat.

Dahil pansamantalang hindi pinagagana ang planta ng Leiden, maaari nitong bawasan ang supply ng J&J vaccine. RNT