JK, ayaw makatrabaho si direk Darryl!

JK, ayaw makatrabaho si direk Darryl!

February 23, 2023 @ 6:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Pansamantala daw munang nasa backseat ang musika para kay JK Labajo.

Sa ngayon daw kasi ay nakatuon ang kanyang pansin sa pag-arte.

Baka nga raw ipagpaliban niya ang paggawa at pag-release ng recording album ngayong taong ito lalo’t he’s busy with acting.

Tunay ngang the proverbial acting bug has bitten JK.

Siya lang naman ang gumanap bilang Ninoy Aquino sa pelikula ni Vince Tañada na Ako si Ninoy.

Pansin ng singer-actor na may hidden film war na nagaganap sa kasalukuyan.

Bukod kasi sa Ako si Ninoy, ang dalawa pang pelikulang tumatalakay sa ating pulitikal na kasaysayan ay ang Oras de Peligro ni Joel Lamangan at Martyr or Murderer ni Darryl Yap.

Sa katunayan, sabay na ipapalabas ang dalawang nabanggit na pelikula sa March 1.

Samantala, naitanong si JK sa mediacon ng kanyang pelikula kung okey ba sa kanya na makatrabaho si direk Darryl.

Wari’y may finality na sagot niya, ayaw raw niyang makatrabaho ang kontrobersyal na direktor.

Nang tanungin ang kanyang dahilan ay wala itong ibinigay na sagot.

Pero makahulugan ang paliwanag niya.

Bagama’t may kalayaan naman daw gumawa ng pelikula dahil ito’y expression of art, naninindigan si JK na hindi kailangang baguhin ang kasaysayan.

Dapat daw ay maging makatotohanan ang pelikula para sa ikamumulat ng kaisipan ng mga manonood.

Matatandaang pinaratangang sinungaling nina direk Joel at Cherry Pie Picache na sinungaling si direk Darryl.

Bumuwelta naman si Darryl sa pagsasabing plastik ang mga ito na idinamay pa si Allen Dizon na cast member din ng ODP.

As for Allen, okey raw sa kanya na makatrabaho si Darryl sa dahilang isa siyang aktor at walang masamang tinapay sa kanya.

Salungat ito sa stand ni Cherry Pie na nauna nang nagsabing “no” to working with Darryl, na dumepensang hindi rin niya bet maidirek ang aktres.

Sinagot na rin ni Darryl si JK at sinabi niyang ang alam niya, ang artista ang nag-o-audition sa direktor at hindi the other way around. Ronnie Carrasco III