JK, bless na bless sa bagong single na “BLESS Ü”

JK, bless na bless sa bagong single na “BLESS Ü”

July 24, 2020 @ 5:47 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naglabas ng kanyang bagong single ang singer at songwriter na si Juan Karlos ‘JK’ Labajo na pinamagatang “BLESS Ü” at nasa category na pop-R&B music.

Say ni JK, ginamit nila ang lockdown para buuin ang kanta nito kasama ang kanyang banda na kinabibilangan nila Jeriko Aguilar, Louie Bayas, at Gian Hipolito.

“The song, or at least the idea of it, was already made prior to the lockdown. Basically it was on standby,” ayon kay JK.

Paliwanag ng songwriter, hindi naging madali sa kanila ang pagbuo nito dahil hindi lahat ng miyembro ng kanilang banda ay may gamit para rito.

Siniguro naman ni JK na makakatulong ang kantang “BLESS Ü sa mga nakakaranas ng anxiety, depression, at hopelessness na mapagaan saglit ang kanilang nararamdaman.

Matatandaang isa sa mga kanta ni JK na nag-trending ang “Buwan” na nag-hit noong 2018. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...