JK Labajo binara si Cristy Fermin!

JK Labajo binara si Cristy Fermin!

November 3, 2021 @ 3:36 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Pinagpipyestahan ngayon ng netizens ang walang prenong patutsada ni JK Labajo kay Cristy Fermin tungkol sa Nadine Lustre issue.

Matatandaang pinagsabihan ni Cristy si Nadine na magbalot ng katawan kung ayaw niyang naba-bash.

“Si Nadine pumapa-show sa Siargao… Lakad nang lakad, rampa nang rampa ng naka-two piece. Ewan ko ‘no kung bakit ayaw niyang magdamit. Ngayon nagiging sentro siya ng body shaming,” ayon kay Cristy.

Sunud-sunod ang mga binitawang salita ni Cristy sa aktres, dinugtungan pa nito ng: “Ikaw na hitad ka, ayaw mong magdamit. Pa-show ka ng pa-show kahit saan. Bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo. Para ‘di ka naba-bash, magtapi ka.”

Pinalagan naman ito ni Lustre pero ang pinaka-usap-usapan ngayon ay ang pagsawsaw ni JK sa nasabing issue.

“Inggit ka, ghorl??” walang pag-aalinlangang comment ni JK sa isang FB post na naglalaman ng balita tungkol sa banat ni Cristy kay Nadine.

Umani naman ito ng heart and like reacts at marami rin ang natawa sa sinabi ng singer.

May ilan namang nagbanta at sinabing, “Naku Juan Carlos ‘pag ikaw naman binanatan niyan.”, “Maghanda ka na JK, next na kayo ni Maureen.”, “Tapang naman ni sis JK”, at marami pang iba.

OMG. Sanga-sanga na ang issue. Abangers tayo sa next episode ng series na ‘to. Char! Paula Jonabelle Ignacio