JLC, nasa Italy kasama ang girlfriend?

JLC, nasa Italy kasama ang girlfriend?

October 13, 2022 @ 2:22 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Marami pa rin ang abangers sa lovelife ni John Lloyd Cruz.

Wala pa rin kasing confirmation ever since he started being linked with artist Isabel Santos.

Pero mukhang ito na ‘yung confirmation. Tapos na rin ata ang pila kay JLC. Spotted kasi ito sa Italy kasama ang nasabing artist.

Si Isabel mismo ang nagpost ng photos niya together with John Lloyd.

Hindi lang basta photos, “sweet photos” ang mga naka-post dahil may pa-akbay habang magkatabing nakaupo ang dalawa.

Maliban dito, may sweet caption din si Isabel sa photo ni John Lloyd saying, “My favorite picture – the composition, the view, the lighting, and the subject.”

Oops. Walang label pero their actions say it all. Sweet!

Kailan kaya nila ire-reveal kung ano ang real score between the two of them? Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio