JM de Guzman, sabit sa hiwalayang Kylie at Aljur!

JM de Guzman, sabit sa hiwalayang Kylie at Aljur!

July 14, 2021 @ 3:15 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Isang netizen ang sinupalpal ni Kylie Padilla matapos palabasing ito ang “nagluko” kaya naghiwalay sila ni Aljur Abrenica.

Matatandaang sa ama ni Kylie na si Robin Padilla mismo nanggaling na hiwalay na ang dalawa.

Si Kylie raw ang nag-initiate ng hiwalayan dahil sa pagkakaroon ng third party sa parte ni Aljur.

Ang latest, may ipinost na picture si Kylie. Sa comment section, isang netizen ang nagtanong kung totoo raw ba na hindi siya kundi si Aljur ang nakipaghiwalay.

Kesyo hindi raw kasi afford ni Aljur ang mga luho niya.

Sa bandang huli ng post, idinamay pa ng netizen si Xian Gaza, ang negosyanteng kinasuhan noon ng “investment scam” na na-link kay Ella Cruz.

Ayon daw kay Xian, si JM de Guzman daw ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Aljur, bagay na sinagot ni Kylie, “That’s not true. We’re just friends.”

Hindi malinaw kung aware si JM na damay siya sa paghihiwalay ng mag-asawa. Ronnie Carrasco III