JM GENOVA, LAKAN NG INDIE SERIES

JM GENOVA, LAKAN NG INDIE SERIES

September 16, 2022 @ 5:35 PM 2 weeks ago


SA kanyang height na 6′ ay tinaguriang Lakan ng Indie Series si Juan Miguel Dela Cruz Genova a.k.a. JM Genova na isinilang noong Setyembre 10, 2002 ng kanyang mga magulang na sina Gng. Celeste Genova at G. Hussien Shiek Genova. Panganay siya sa dalawang magkapatid at ang bunso ay si Adrian.

Nag-aral si JM ng elementarya sa Cabanatuan East Central School, highschool sa Nueva Ecija Highschool at college sa Phinma Araullo University sa kursong Bachelor of Science In Business Administration.

Si JM ay naging 2nd runner up noong Grade 11 sa Lakan at Lakambini at title holder noong Grade 12 sa Lakan at Lakambini at title holder noong 3rd Year College sa Barro Sunkissed Supermodel.

Sumubok mag-artista at nabigyan ng pagkakataon na makaganap sa pinag-uusapang 1st Pinoy BL Action Series na “Mystery of Love” ni Direk Ranz Gonzales.

“Paps JM ano pa ang plano o pangarap mo sa buhay?,” ang tanong ko sa kanya.

“Ang aking pangarap Paps Rex ay maging isang sikat na artista at kung hindi man papalarin ay magtrabaho sa isang malaking kompanya,” sagot niya.

“Mensahe mo sa mga tagahanga mo,” wika ko sa kanya. “Sana ‘wag kayong magsawang sumuporta sakin at abangan ang mga susunod na BL series na ilalabas namin,” tugon niya.

“Isang malaking pasasalamat sa inyong lahat lalo na sa iyo Sir Rex, Paps napakabuti mong tao at sana madami ka pang matulungan na tao at isa na din ako sa tagahanga mo,” ang pagtatapos niya sa aking maikling panayam.

Sa magandang tindig at taglay na kagwapuhan ni JM Genova, kahit pa sabihing napaka-humble niya, tiyak na malayo ang kanyang mararating sa daigdig ng patimpalak at pag-aartista. Siyempre pa, maging sa ibang larangan tulad ng negosyo at iba mang trabaho.