JM, may chance kay Donnalyn!

JM, may chance kay Donnalyn!

October 31, 2022 @ 3:54 PM 1 month ago


Manila Philippines – May mga nagsasabi na may namumuong relasyon sina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome matapos mag-organize ng surprise birthday party ang una sa huli.

Nagdiwang ng kaarawan si JM at ipinost ng aktor ang mga larawang kuha sa okasyon kalakip ng pasasalamat niya sa lahat ng mga dumalo, partikular na kay Donnalyn.

Pero sa panayam namin kay JM, sinabi niya na magkaibigan lang sila ni Donnalyn. Pero aminado siya na gusto niya ito.

“May gusto ako sa kanya. Isa niya akong tagahanga,”sabi ni JM.

Nanliligaw na ba siya kay Donnalyn?

“Nagpaparamdam,” pag-amin ni JM.

Mukhang may maaasahan naman si JM kay Donnalyn base na rin sa effort ng dalaga na paghandaan ang birthday ng Kapamilya actor.

“Ganu’n lang talaga siya, e.”

Ano ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Donnalyn at paano sila nagkakilala?

“We’re very close friends. Nagkasama kami sa Probinsyano Partylist,” sagot ni JM.

Maraming magagandang katangian si Donnalyn kaya nagustuhan siya ng aktor.

“Sobrang bait, intelligent, sobrang headstrong, wise, responsable, and independent,” paglalarawan pa niya kay Donnalyn. Rommel Placente