Job cut, sinisilip ng Meta – Bloomberg News

Job cut, sinisilip ng Meta – Bloomberg News

March 7, 2023 @ 3:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magbabawas ang Meta Platforms Inc ng libo-libong trabaho, ayon sa Bloomberg News nitong Lunes, ilang buwan matapos magtanggal ang Facebook-parent ang mahigit 11,000 indibidwal mula sa workforce nito.

Dulot ito ng  financial targets at hiwalay sa “flattening,” batay sa ulat.

Tumanggi ang Meta dna magkomento sa Bloomberg report.

Nitong nakaraang buwan, iniulat ng Washington Post newspaper na binabalak ng Meta na magbawas ng gtrabaho para sa reorganization at downsizing effort nito.

Sa mass layoffs ng Meta noong November, mahigit 11,000 trabaho ang kinalos, sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng kompanya. RNT/SA