Job fair ikinasa ng DMW; 250 OFWs na biktima ng illegal recruitment nakinabang

Job fair ikinasa ng DMW; 250 OFWs na biktima ng illegal recruitment nakinabang

September 18, 2022 @ 10:49 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 250 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakinabang sa job fair na itinataguyod ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni DMW Sec. Susan Ople na ang mga OFW ay pawang biktima ng large-scale illegal recruitment.

Bukod dito, nagbigay din ang DMW ng libreng legal assistance sa mga nagnanais na magsampa ng kaso laban sa kanilang mga illegal recruiter.

Ilan lamang sa mga job orders na iniaalok sa mga OFWs ang cleaners, carpenters, housekeepers, kitchen and restaurant workers, at hairdressers para sa New Zealand, Qatar, Saudi Arabia, at Japan.

Tinupad ni Ople ang kanyang pangako sa mga overseas workers na naghahanap ng paraan ang national government para matulungan silang makakuha ng disenteng trabaho sa ibang bansa.

“I am, and am still asking our OFWs to coordinate only with recruitment agencies with no record of illegalities. Never talk to the ‘fixers’ promising you everything. Come to us, and we will help you,” laging paalala ni Ople sa mga OFWs.

Karamihan sa mga naghahanap ng trabaho ay biktima ng large-scale illegal recruiters mula Davao City na naaresto sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng mga pulis, LGUs at DMW’s Anti-illegal Recruitment Branch. Jocelyn Tabangcura-Domenden