Job fair ng DOT, DOLE umarangkada na

Job fair ng DOT, DOLE umarangkada na

September 23, 2022 @ 3:13 PM 2 days ago


MANILA, Philippines – Umarangkada na ang kauna-unahang tourism job fair sa pagtutulungan ng Department of Tourism at Department of Labor and Employment.

Ang “Trabaho, Turismo, Asenso! Philippine Tourism Job Fair” ay nagsimula kahapon, Setyembre 22 kung saan mula sa 5,174 na mga naghahanap ng trabaho na nakilahok sa job fair ay 80 sa mga ito ang natanggap na agad sa trabaho on-the-spot.

Maliban sa mga pumirma sa online appointment, mayroon rin nasa 1,000 na mga walk-in applicants nitong Huwebes.

“Today, we provide you with opportunities to continue to be our partners as we recover from all the challenges that we have faced,” ani DOT Secretary Christina Franco sa isang recorded message.

“Everything that we are doing in the Department of Tourism is to serve the goal of ensuring that we put our tourism stakeholders front and center of our agenda,” dagdag pa niya.

Magtatagal ang tourism job fair hanggang bukas, Setyembre 24 na isinasagawa sa SMX Convention Center, Pasay City at sabayang ginaganap sa Cebu at Davao. RNT/JGC