Job mismatch matutugunan sa paglipat ng TESDA sa DOLE

Job mismatch matutugunan sa paglipat ng TESDA sa DOLE

September 29, 2022 @ 5:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mas magiging epektibo sa pagtugon sa jobs-skills mismatch ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa paglipat nito sa ilalim ng Department of Labor and Employment.

“We are focusing more on area-based, demand-driven TVET (technical-vocational education and training) program. It is no longer a supply-driven TVET, but area-based demand-driven program. Ito po iyong mga industry-based,” ani TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III sa panayam ng ABSCBN News.

“Since na ang Department of Labor ang namamahala sa ating mga kompanya at sa ating mga paggawa, so mas nakikita natin iyong ating mga TVET graduates will land a better job or also will help the industry,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa direktor, ang TESDA ay nakapagrehistro ng 7.5 milyon enrollees at 6.9 milyon na mga nagtapos mula 2018 hanggang Setyembre 2022.

Plano naman ng ahensya na makapagpatapos pa ng mas maraming skilled learners sa pamamagitan ng kanilang diploma courses.

“Tumataas din po ang bilang ng ating mga learners pagdating po sa ating agrikultura. Hindi lamang po iyong mga talagang traditional farmers, so iyong mga matatanda na, pati na rin po iyong mga kabataan. Kasi nga meron na tayong digital agricultures, iyong mga tinatawag nating mga crop productions, animal productions, preparations, iyong mga organic farming natin that we are offering,” paliwanag ni Bertiz.

“Nagiging interesado ang ating mga learners, pati iyong mga kabataan. Lalong-lalo na doon sa diploma courses natin na wala silang binabayaran na tuition fee at may mga allowance pa po sila,” dagdag pa niya.

Matatandaan na ang TESDA ay dating attached agency ng Department of Trade and Industry.

Batay sa Study on the Employment of TVET Graduates, nasa 78.57% ang employment rate sa TESDA graduates mula sa 70.51% noong 2020.

Nangangahulugan ito na pito sa 10 na nagtapos ang nagkakaroon agad ng trabaho.

Sa paglipat ng TESDA sa ilalim ng DOLE, magpapatuloy pa rin umano ang ahensya sa pagbibigay ng training at diploma courses sa mga estudyante, libre at may allowance pa. RNT/JGC