Job opportunities sa mga senior citizen, lawakan – solon

Job opportunities sa mga senior citizen, lawakan – solon

January 19, 2023 @ 5:59 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umapela si Davao City 1st Rep. Paolo Duterte sa private sector na lawakan pa ang job opportunities para sa mga senior citizens na may kakayahan pa rin at nais na magtrabaho.

Ayon kay Duterte upang mas maraming magbukas na oportunidad sa mga senior citizens ay kanyang isinusulong sa Kamara ang pagpasa ng batas para sa pagbibigay ng tax incentives sa mga kumpanya na kukuha ng mga senior citizens bilang kanilang empleyado.

Sa ilalim ng House Bill 2384 ni Duterte ay itataas sa 25% mula sa dating 15% ang tax deductions sa gross income ng mga private firms na kukuha ng senior citizens na empletado.

“Age has been a constant barrier to opening employment opportunities for many of our physically and mentally able senior citizens who want to continue working to help augment the meager pension and retirement savings they have,” pahayag ni Duterte.

“To help remedy this situation, private companies should be encouraged to provide them with jobs. The private sector can benefit from the skills that senior citizens have acquired from their long years of hard work. Also, our senior citizens can continue to contribute to our post-pandemic economic growth,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga nasa edad 60 anyos pataas ay nasa 9.22 million(8.5 % ng populasyon) mula noong taong 2020, mas mataas ito kumpara noong 2015 na nasa 7.53 million(7.5% ng populasyon).

Sa pagtaya ng Commission on Population and Development (POPCOM), pagdating ng 2035 ay aabot na ito sa 14% ng kabuuang populasyon.

Sinabi ni Duterte na nasa 70% ng kabuuang bilang ng mga senior citizens ang nais pang magtrabaho para masustentuhan ang kanilang mga pansariling pangangailangan ngunit walang bukas na trabaho para sa kanila.

“Popcom study also showed that the number of senior citizens have risen over the years “due to better health and socioeconomic conditions. This means that many of them are still employable and continue to be economically productive citizens that can contribute to nation-building,” paliwanag nito.

Isa din si Duterte sa nagsusulong na bigyan ang mga indigent senior citizens ng pension na P1,500 kada buwan. Gail Mendoza