Job target sa mga K-12 graduates, ‘di naabot – DepEd

Job target sa mga K-12 graduates, ‘di naabot – DepEd

September 30, 2022 @ 4:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi naabot ng Department of Education ang target nitong bilang ng mga estudyanteng naka-graduate ng Senior High School na nagkakaroon kaagad ng trabaho.

Ito ang inihayag ni DepEd spokesperson Michael Poa ngayong Biyernes, Setyembre 30 sa isang pulong balitaan nang matanong kung itutuloy pa ba nila ang implementasyon ng Senior High School curriculum.

“Ang direksyon po kasi natin sa senior high schools is not itutuloy or hindi itutuloy,” ani Poa.

“Because yung promise po ng K to 12 is that when our learners graduate after Grade 12 they are employable pero hindi po nangyayari yan sa ngayon,” dagdag pa niya.

Ani Poa, ang layunin ng programa sa senior high school ay upang maitugma ang kakayanan ng mga estudyante sa mga kakayahan na kailangan ng industriya lalo na sa technical at vocational track.

Bilang pagtatapos, ibinahagi rin ng DepEd na sisimulan nilang busisiin ang curriculum ng Grade 11 at Grade 12 sa Nobyembre. RNT/JGC