Jobless na PLDT workers, rumampa ng apela

Jobless na PLDT workers, rumampa ng apela

July 24, 2018 @ 3:37 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Daan-daang contractual workers na tinanggal sa trabaho ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) ang nagtangkang bumalik sa kanilang trabaho ngayong Martes (July 24).

Sa report, inaasahan nilang susunod ang PLDT sa writ of execution inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong May 30, 2018, at sa clarificatory order na inisyu naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III noong July 11, 2018.

Ayon sa Manggagawa ng Komunikasyon sa Pilipinas, nilabag ng PLDT ang nasabing mga kautusan matapos tanggalin sa trabaho ang 12,000 contractual employees.

Iginiit naman ng pamunuan ng PLDT na dapat muling sumailalim sa application process ng kumpanya ang nasabing mga trabahador dahil kinuha lamang sila noon sa mga employment agencies.

Dahil umano permanent position na ang usapan dito, mayroon silang sariling standard na sinusunod na pinagdaanan din ng lahat ng permanente nilang empleyado. – NENET L. VILLAFANIA