Jobless Pinoy tumaas, 2.37 milyon na!

Jobless Pinoy tumaas, 2.37 milyon na!

March 9, 2023 @ 9:53 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumaas pa ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa buwan ng Enero sa 2.37 milyon.

Mas mataas ito kumpara sa 2.22 milyon na naitala sa sinundang buwan, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Marso 9.

Katumbas ito ng national unemployment rate na 4%.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, posibleng ang pagtaas sa unemployment rate dahil karaniwan na kumukuha ng mas maraming empleyado sa panahon ng Oktubre hanggang Disyembre, o sinundang buwan nito, para tugunan ang mataas na holiday demand.

Ang buwan ng Enero naman ay ang panahon kung saan nagbabalik sa normal ang sitwasyon matapos ang holiday season. RNT/JGC