Jodi, wagi sa teleserye!

Jodi, wagi sa teleserye!

August 29, 2022 @ 7:20 PM 1 month ago


Bangkok, Thailand – Masaya si Jodi Sta. Maria dahil wagi ang kanyang seryeng ‘The Broken Marriage Vow’ sa Content Asia Awards 2022 kung saan nanalo ito bilang Best TV Adaptation award sa awarding ceremonies na ginanap sa Thailand.

Kasama ang kanyang producer na si Kylie Manalo-Balagtas, personal na tinanggap ng aktres ang prestihiyosong parangal sa Bangkok.

“We  had a great time and it’s so nice na ma-meet ‘yung iba pang content providers all over Asia,” sabi niya.

Aniya, team collaboration daw ang nagpanalo sa kanila para makamit ang ganoong award.
“Nakakatuwa kasi kung iisipin mo, panalo ito ng lahat, ‘yung buong team… na pinangunahan ng aming direktor na sina Connie Macatuno and Andoy Ranay,” pahayag niya.
Sa ngayon, naghahanda na si Jodi para sa shoot ng kanyang MMFF entry kung saan makakatambal niya si Coco Martin. Archie Liao