Joe at Michael Jackson, magkasama sa himlayan

Joe at Michael Jackson, magkasama sa himlayan

July 3, 2018 @ 10:33 AM 4 years ago


 

Inilibing ang ama ng pamilyang Jackson na si Joseph “Joe” Jackson sa parehong siminteryo na pinaglibingan sa kaniyang anak na si Michael Jackson sa Southern California.

 

Sabi ng isang source na malapit sa pamilya, si Joe ay inihatid sa huling hantungan kahapon sa isang pribadong seremonya sa Forest Lawn Memorial Park sa Glendale.

 

Noong nakaraang linggo pumutok ang balita tungkol sa pagpanaw ni Joe sa Las Vegas sa edad na 89-anyos.

 

Naulila ni Joe ang kaniyang asawa na si Katherine, walo niyang anak at kaniyang mga apo.

 

Nag-post sa social media ang panganay ni Joe na si Jackie ng isang litrato sa Instagram noong Lunes kung saan siya ay nakasuot ng black suit at sunglasses kasama ng kaniyang kambal na nakasuot ng kaparehong outfit.

View this post on Instagram

My Jay man . . #hayvenhurst

A post shared by Jackie Jackson (@jackiejackson5) on

Si Michael Jackson ay nahimlay noong 2009 sa isang mausoleum sa isang pangmayamang sementeryo kung saan rin nakalibing sina Elizabeth Taylor at Walt Disney. (Remate News Team)