Joe Jackson, pumanaw sa edad na 89

Joe Jackson, pumanaw sa edad na 89

June 28, 2018 @ 9:19 AM 4 years ago


 

Pumanaw na sa edad na 89 si Joe Jackson, ama ni “King of Pop” Michael Jackson at siya ring humawak sa pinagsimulan nitong grupo na Jackson 5 na kinabibilangan ng iba pa niyang mga anak, kahapon.

 

Ayon sa mga report si Joe ay lumalaban sa terminal pancreatic cancer at kamakailan ay sinabi ng kaniyang Anak na si Jermaine na, “He’s very, very frail, he doesn’t have long. The family needs to be by his bedside — that’s our only intention in his final days.”

 

Ang pagpanaw ni Joe ay kinumpirma ng kaniya mga apo na sina Randy Jackson Jr. at Taj Jackson sa kanilang twitter at sinabing “RIP to the king that made everything possible! I love you grandpa” at “Joe was loved by the entire family and our hearts are in pain. Let us grieve.”

 

Samantala, nag-post rin si Prince Michael Jackson, apo ni Joe at anak ng yumaong si Michael Jackson, sa kaniyang Instagram account ng isang litrato na may caption na,  “This man is and always will be an example or sheer willpower and dedication. He didn’t choose the path that was the easiest but he choose the path that was best for his family.”

Ang pamilyang Jackson ay kilala dahil sa pagkakaroon nila ng legal battles, inggit, hindi pagkakasundo sa pera, pambababae ni Joe at ilang mga alegasyon sa pangmomolestiya ni Michael sa isang bata pati na rin ang kaniyang kakaibang pamumuhay.

 

Si Joe ay nahiwalay kay Michael bago ang pagkamatay nito noong 2009 pati na sa kaniyang asawa na si Katherine at iba pa sa kaniyang mga anak kabilang na ang isa pang singing superstar na si Janet.

 

Pinasok ni Joe ang larangan ng boxing pati na ang pagiging gitarista noong 1950. Nagtrabaho rin siya bilang crane operator sa isang planta sa Gary, Indiana kung saan niya binigyang pansin ang talento ng kaniyang nga anak.

 

Binuo niya ang grupo at tinawag niya na Jackson 5 kasama si Michael na hindi maitatangging napakatalentadong singer. Ang grupong ito ay naging isa sa world’s top acts na mayroong bonggang stage show at sikat na sikat na pop songs. (Remate News Team)