Kampanya ng Zamboanga jail vs illegal na droga pinuri ng BJMP chief

February 1, 2023 @7:56 PM
Views: 43
MANILA, Philippines – Pinuri ni BJMP chief Jail Director Allan Iral ang anti-drug campaign ng Zamboanga City Jail Reformatory Center at ang pagpapalawak ng welfare and development programs sa pasilidad.
“We take cognizance of the intensified anti-drug campaign and welfare programs for persons deprived of liberty in our biggest facility in Western Mindanao,” saad ni Iral.
“These efforts are important especially in large facilities like Zamboanga City Jail,” dagdag pa ng BJMP Chief.
Matapos maitala ang pinakamalaking joint OPLAN Linis Piitan operation, kasama ang 338 operatiba mula sa Zamboanga City Police Office, PNP-SAF 5th Special Action Battalion, PDEA Zamboanga, BFP Zamboanga at Zamboanga City Disaster Risk Reduction Management Office kung saan may kabuuang 575 piraso ng ilegal na kontrabando ang nakumpiska at muling nakapagtala ang pasilidad ng isa pang panibagomg rekord sa kampanya laban sa droga.
Nagbunga ng negatibong resulta ang pagsasagawa ng surprise drug test ng PDEA Region-IX sa lahat ng unit personnel at 444 na random na napiling PDL kasama ang kanilang mga cell leaders.
“We will continue the conduct of surprise drug tests among personnel and to randomly select PDL who will undergo the test to make sure that our facility is drug-free,” pahayag ni Zamboanga City Jail Reformatory Center warden Jail Superintendent Xavier Solda.
“We have a solid stance against illegal drugs and other forms of contraband kaya hindi po kami magpapatinag dito,” ayon pa kay Solda.
Samantala, 72 PDL ang pinalaya mula sa pasilidad sa pamamagitan ng pinaigting na paralegal support service sa Zamboanga City Jail para sa Buwan ng Enero.
“We are hoping that more than a hundred more will be released in the next two weeks as we continue our coordination with the courts to decongest our facility which is now 1,064% congested,” paliwanag pa ng warden
“Katulong namin ang LGU ng Zamboanga, pagsisikapan po naming mapagbuti ang sitwasyon ng mga PDL dito sa aming mga programa,” sabi pa ni Solda.
Inilunsad kamakailan ng reformatory center ang Green Zamboanga Project na naglalayong magtatag ng jail nursery para sa mga seedlings ng gulay sa pasilidad bilang pagkukunan ng kita ng PDL bukod pa sa mga bagong likhang livelihood program sa pasilidad.
Sa usapin at suportang pangkalusugan, patuloy na sinusubaybayan ng pasilidad ang may sakit at malnourished na PDL kabilang ang mga senior citizen na naka-enroll sa ilalim ng Facility Nutritional Support Program. Jan Sinocruz
MTPB nahagip ng jeep habang nagmamando ng trapiko, sugatan

February 1, 2023 @7:43 PM
Views: 45
MANILA, Philippines – Nahagip ng pampasaherong jeep ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) habang nagmamando ng trapiko sa Recto, Maynila nitong Miyerkules ng umaga, Pebrero 1.
Sa inisyal na ulat, ang biktima mula sa sector 3 ng MTPB ay agad na naisugod sa pagamutan sanhi ng tinamong bali sa isang paa matapos maipit at magulong ng jeep.
Napag-alaman na hindi umano napansin ng tsuper ng jeep na may biyaheng Gastambide-Divisoria ang biktima.
Dinala na ang tsuper sa tanggapan ng Manila Traffic Enforcement Unit para sa imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng reklamo laban sa kanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden
PAGCOR paiimbestigahan sa Senado sa maanomalyang 3rd party auditor

February 1, 2023 @7:30 PM
Views: 48
MANILA, Philippines – Nais paiimbestigahan ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang pagpili ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng isang third party na auditor na namamahala sa pagtukoy ng gross gaming revenue ng Philippine Offshore Gaming Operators o mga POGO sa bansa.
Sa isang resolusyon na inihain nitong Enero 30, sinabi ni Gatchalian na dapat tukuyin ang anumang pananagutan at magsagawa ng amendment sa procurement laws, kung kinakailangan, hinggil sa iregularidad sa pagpili sa Global ComRCI Consortium, ang third party auditor na kinontrata ng PAGCOR para sa industriya ng POGO.
“Kailangang suriin ang tila maanomalyang kontratang pinasok ng naturang ahensiya ng gobyerno at ang paggasta nito upang mapanatili ang tiwala at kumpiyansa ng mga tao sa gobyerno,” sabi ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Ways and Means.
Inihain ni Gatchalian ang resolusyon kasunod ng mga natuklasan sa nakaraang mga pagdinig na isinagawa ng komite na nagpapakita na ang PAGCOR ay nabigo na sumunod sa mga umiiral na mga batas at panuntunan sa kontratang pinasok nito sa third party auditor noong 2017.
Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P6 bilyon sa loob ng sampung taon.
“Kailangang busisiin nang maigi ang kwestiyonableng pagpili sa Global ComRCI bilang third party auditor ng mga POGO. Kung mayroong paglabag sa batas, kailangan ring malaman kung sino ang mga nagkasala o lumabag sa batas,” ayon sa senador.
Halimbawa, ang mga batas sa pagpili ay nangangailangan ng isang kontratista na mayroong operating capital na hindi bababa sa P1 bilyon.
Para makasunod sa naturang requirement, nagsumite ang third party auditor na Global ComRCI ng bank certification na inisyu ng Soleil Chartered Bank na kalaunan ay nakumpirmang hindi awtorisadong mag-isyu ng naturang bank document dahil hindi ito rehistrado sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Dagdag pa rito, pinatunayan ng Securities and Exchange Commission (SEC) na walang korporasyon o partnership na nakarehistro sa ahensiya sa ilalim ng pangalan ng Global ComRCI.
Gayundin, ang opisina at lugar ng operasyon nito ay hindi matagpuan at hindi man lang nakakuha ng mga business permit mula sa mga lokal na pamahalaan ng Makati at Maynila kung saan sinasabing nag-uupisina ito.
Binigyang-diin din ni Gatchalian na ang kakulangan ng technical capability ng third party auditor para matukoy ang tamang gross gaming revenue ng mga POGO sa bansa ay maaaring humantong sa underpayment ng 2% franchise fee sa PAGCOR at 5% gaming tax sa Bureau of Internal Revenue ( BIR). Ernie Reyes
Lalaki patay nang makaladkad ng tren sa Maynila

February 1, 2023 @7:17 PM
Views: 56
MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki nang makaladkad ng tren ng Philippine National Railways o PNR, Miyerkules ng umaga, Pebrero 1 sa Batangas St., Tondo, Maynila.
Ayon sa mga residente sa lugar na sakop ng Baragay 221, hindi nila kilala ang biktima kaya nagpasiya maliban sa nakitang medical ID ng kanyang pagkakilanlan sa pangalang Deus Simbol, nasa hustong gulang na may address sa Llalana Street Tondo.
Alas-11 ng umaga nang maaksidenteng makaladkad ng tren na may body number na 1101 patungong Bicol ang biktima sa northbound lane ng riles ng tren.
Nasa tabi lamang umano ang biktima at sa hulihan ng tren na ito nahagip. Jocelyn Tabangcura-Domenden
2 lalaking sumalisi sa doktor, arestado sa Maynila

February 1, 2023 @7:04 PM
Views: 54