Joey Marquez, ‘pinatay’!

Joey Marquez, ‘pinatay’!

April 16, 2021 @ 7:01 PM 2 years ago


Manila, Philippines – “Paalam, Joselito Perez Marquez 1957-2021.”

 

Ganito pinatay sa pekeng balita ang komedyanteng si Joey Marquez.

 

Ito ang ipinost ng Viral Todays News Pilipinas tungkol sa umano’y pagpanaw ng komedyanteng si Joey Marquez sanhi ng atake sa puso.

Itinuro pa nito ang programang 24 Oras ng GMA bilang source ng balita.

May mga netizen namang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga naulila ni Joey sa pag-aakalang totoo ang balita.

Sa kabilang banda ay tinawan lang ni Joey ang naturang fake news na marami na ring nabiktima, the latest of whom ay si Jose Manalo.

Sa short video clip na ipinost ng partner ni Joey na si Malu Quintana sa Facebook, pabirong sinabi ng komedyante: “I’m still kicking!”

Sinundan pa niya ito ng, “Correction, I’m not 65 years old.” Dahil ang totoo’y sisenta anyos lang siya. Ronnie Carrasco III