Joey, nagreklamo sa kawalan ng poster ng tatlong MMFF entries!

Joey, nagreklamo sa kawalan ng poster ng tatlong MMFF entries!

December 17, 2022 @ 12:53 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Masayang humarap si Joey de Leon sa entertainment media.

Mediacon ‘yon ng Metro Manila Film Festival niyang entry na The Teacher kasama si Toni Gonzaga.

Masaya ang Eat Bulaga host in the sense na bumabalik na raw sa normal ang lahat.

Ikinagalak ding makita ni Joey ang mga pamilyar na mukha ng mga um-attend na reporter.

Nagbiro pa nga siyang malinaw pa rin daw ang kanyang pag-iisip.

Joey also found joy in seeing new faces from the press.

Understandable ang pagiging excited ni Joey na makita’t makadaupang-palad ang marami niyang kaibigan sa press.

Dala na rin ‘yon ng katotohanang once in a blue moon na lang siya gumawa ng pelikula.

Bumiyahe rin si Joey down memory lane sa pagsasabing nami-miss na raw niya ang mga dating co-hosts sa Startalk na sina Butch Francisco, Lolit Solis at Heart Evangelista.

Naabutan kasi nilang apat ang pagkakasibak sa Saturday showbiz-oriented talk show noong September 2015.

Dahil bibihira ngang gumawa ng pelikula si Joey, anuman ang opinyon niya matters a lot.

Tulad ng panawagan niya sa pamunuan ng MMFF.

Napansin daw kasi nila ng co-star niyang si Carmi Martin na walang movie poster nila ang nakasabit sa Quezon Boulevard.

Of the eight official entries daw ay wala ang poster ng mga pelikula nina Coco Martin at Vice Ganda bukod sa kanilang My Teacher entry.

Sang-ayon naman ang dumalong press members sa ini-raise na valid point ni Joey.

Oo nga naman, obyus na hindi patas ang labanan dahil ba, sure blockbusters na ang mga pelikula nina Joey, Vice Ganda at Coco na hindi na kailangan ng billboard advertising? Ronnie Carrasco III