John Arcilla, pinagbantaan, pinagdasal na ‘mamatay na’!

John Arcilla, pinagbantaan, pinagdasal na ‘mamatay na’!

August 15, 2022 @ 10:40 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Aminadong nag-aalala si John Arcilla dahil sa mga death threats na nakukuha niya ngayon from viewers na hindi naihiwalay ang drama sa TV at reyalidad. FYI, si John ang kontrabida sa nagtapos nang serye, ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Si Arcilla ang gumaganap sa character ni Renato Hipolito sa nasabing TV series.

“Dumadami na naman ang fans ko at personal message pa [pero] nakaka-bother din.

“Serye lang po walang personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Pagbantaan po ninyo si Hipolito huwag po ako [kasi parang medyo] hindi nakakatawa ‘yon ‘di ba?” seryosong pahayag ni John.

Nakatanggap kasi si Arcilla ng message sa IG from a netizen who wished and prayed for the actor’s demise in real life.

“Sana hindi ka seryoso [dahil] kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba. “Kung nagagalit kayo kay Hipolito, [understandable] pero kung sa ‘kin, parang I think kailangan natin i-review ang ating sense of reality,” paliwanag ni John.

“Ang moral lesson po dito ay dapat talaga walang WAR, dahil kung itong fiction lang ay nasasaktan tayong lahat lalo na sa totoong buhay,” dagdag pa ng aktor.

Last Friday ay natapos na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan ay namatay ang character ni Arcilla. Joey Sarmiento