John Lloyd Cruz gaganap sa ‘Ang Fraile’

John Lloyd Cruz gaganap sa ‘Ang Fraile’

July 30, 2021 @ 2:09 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Mapapanood na ang miniseries na ‘Ang Fraile’ na gaganapan ng nagbabalik na sikat na aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa darating na Hulyo 30, 8.pm mapapanood ang nasabing serye na handog ng The Globe Studios sa kanilang YouTube channel at sa susunod na Agosto 6, 8 p.m naman ilalabas ang ikalawang bahagi nito.

Ayon kay RA Rivera, ang nasabing serye ay hango sa kwento ng pagtatapos na pananakop ng mga espanyol sa ating bansa Kung saan tayo ay nasa Ilalim ng mga Prayle o paring espanyol.

Ito ang unang beses muli mapapanood ng mga tao ang mahusay na aktor na si John Lloyd matapos itong tumigil at mawal sa industriya.

Gaganap din dito sina Jun Sabayton, Cherie Gil, Joel Torre, at Ronnie Lazaro.

Ang nasabing serye ay muling pagsasama nila Gil, Torre, at Lazaro matapos noon ang pagsasama nila sa iconic 1982 film “Oro, Plata, Mata” ni Peque Gallaga. RNT/Kristine Fernandez-trainee


  •  
  •  
  •