Manila, Philippines – Tila nauubos na raw ang balon ng kayamanan ni John Lloyd Cruz. Mukhang nararamdaman nito ang pagkawala sa showbiz.
Dahil walang kita, kailangan maghigpit ng sinturon. Kaya nang bumili raw ng stroller ng kanyang baby ang aktor, itinaon nitong sale sa isang mall sa Cebu bago ito tumungo roon na naka-jacket pa at naka-sumbrero.
Malaki ang kayamanang naipon ni Papa John, kaya malayong tuwing sale lang siya bumibili ng gamit.
Nandyan si Ellen Adarna, ang kanyang live-in partner na rich din. Ang sabi nga, nabahaginan na ito ng mana matapos mamatay ang kanyang ama. So, walang problema sa pinasyal ang dalawa.
Isa pa, super kuring si John Lloyd. May friend nga siya showbiz na lumapit sa kanya para himingi ng tulong hindi niya sineryoso bagkus pinaglaruan pa niya.
Reporter iyon na humingi ng suporta sa kanya para sa tiyahing nasa hospital.
Pinapunta niya ito sa PA niya pero nganga naman yong PA paglapit ng reporter dahil wala raw ibinibigay sa kanya ang boss niya. Nang magkita uli ang aktor at ang nasabing reporter at nang i-remind sa kanya ang tulong na hinihingi, aba’y patawa-tawa pa raw na tiningnan nito ang manunulat sabay sabing “bakit hindi mo ibenta ang bag mo, mukhang mamahalin ‘yan.”
Kaya malabong maghirap si JLC. (ABE PAULITE)