John Lloyd, excited sa future jowa!



John Lloyd, excited sa future jowa!

June 10, 2021 @ 3:47 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines –  Sa panayam ni G3 San Diego kay John Lloyd Cruz, pinag-usapan ang pansamantalang pamamahinga ng actor, ang kanyang buhay bilang tatay kay Elias at ang kanyang pagbabalik-showbiz.

Napag-usapan din ang high-profile relationship nila at hiwalayan ni Ellen Adarna.

Pero maraming netizens ang na-curious nang usisain siya kung pagkatapos ng lahat ng kanyang pinagdaanan ay nagsara na ba ang puso niya para sa pag-ibig. Naging masalimuot din kasi ang last relationship niya sa Cebuana actress na si Ellen.

“Ma-i-in love ka pa?” tanong ni G3.

“Du’n nga ako pinaka-excited eh… ‘yung ma-in love ulit,” sey ni Lloydie.

Dahil sa tinuran niyang ito, maraming kibitzers at faney ng tambalan nila ni Bea Alonzo ang nagsasabing tagilid si Dominic Roque kay John Lloyd.

Sa isang panayam kasi, sinabi ni Bea na si John Lloyd ang kanyang first heartbreak.

Bago pa man niya kasi nakatambal ang actor, fan na siya nito.

Na-disappoint lang daw siya nang malaman niyang ‘taken’ na ito noon.

Nang matanong din ang aktres tungkol sa posibilidad na mauwi sa totohanang relasyon ang kanilang love team, prangka namang inamin ni Bea na hindi niya isinasara ang kanyang pinto.

Hirit pa niya, wala raw naman siyang nakikitang hadlang dahil pareho silang single.

Sa excitement ni John Lloyd na ma-in love uli at sa napapabalitang balik-tambalan nila sa isang proyekto, hindi raw kaya ma-develop na sa totoong relasyon ang kanilang love team?

Sey pa ng ilan, kuwidaw daw si Dominic dahil kahit inamin ni Bea na nagde-date sila ay wala pa namang kumpirmasyon kung opisyal na sila na ng kanyang best friend. Archie Liao


  •  
  •  
  •