John Prats at Isabel Oli: Baby boy or Baby girl?

John Prats at Isabel Oli: Baby boy or Baby girl?

June 28, 2018 @ 11:37 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng buong pamilya ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli ang kamakailangan gender reveal party na inakala nilang isang simpleng Father’s Day celebration.

 

Ayon sa gender reveal, Baby boy ang inaasahan nilang baby na susunod sa anak nila na si Lilly Feather na isinilang noong 2016.

 

Mistulang nagkaroon ng get-together sina Prats at Oli kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa kanilang tahanan na makikita sa video blog ng nasabing event na pinost ng mag-asawa sa kanialng youtube channel.

 

Pinaliwanag ng dalawa na ang gabi na iyon ay para sa mga tatay ng kanilang pamilya pero ang lahat ay nagulat ng sabihin nila ang magandang balita.

 

Ang lahat ay natuwa dahil matagal tagal na rin noong huling  nagkaroon ng baby boy sa kanilang pamilya. Ibinahagi rin ng mag-asawa ang magiging pangalan ng baby boy na  si “Daniel Freedom.”

 

Matatandaang noong nakarang linggo inanunsyo ni Oli ang kaniyang pagbubuntis. Ipinakita niya ang kaniyang baby bump sa kaniyang post sa Instagram bilang teaser sa video blog nila sa naganap na gender-reveal party. (Remate News Team)

https://www.instagram.com/p/BkPsIISH3Xy/?hl=en&taken-by=isabeloliprats