John Prats, muntik nang mag-ober da bakod sa Kapuso!

John Prats, muntik nang mag-ober da bakod sa Kapuso!

August 13, 2022 @ 11:25 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa guesting ni John Prats sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Bianca Gonzalez na may titulong “#TrustTheProcess: John Prats” ay sinabi niya na muntik na siyang lumipat noon sa GMA-7 dahil sa matinding gastusin at pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na’t buntis noon ang asawa niyang si Isabel Oli.

Aniya, “Nu’ng nagkaroon na ako ng family, buntis na si Liv [Isabel] noon – na-realize namin na parang hindi enough yung twice a week taping para ma-sustain, or mabigay ‘yung needs ng family mo.

“And then, I was about to transfer [to GMA]. Tapos, the next day, Tita Cory (Vidanes) found out, pinigilan niya ako nu’ng nalaman niya.

“Siyempre ako, nu’ng nalaman kong pinigilan ako, sabi ko, ‘Sige, I’ll stay.’

“Siyempre gusto mo ‘yun, kasi parang tahanan mo ‘yan [ABS-CBN] for how many years.”

Matapos ang pagpigil sa kanya ni ABS-CBN chief executive Cory Vidanes ay kinuha siya bilang isa sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan kalaunan ay nagsilbi na rin siyang direktor nito.

Tapos na nga ang longest-running series sa telebisyon pero wala pang balita kung ano ang susunod na project ni John sa Kapamilya network. Sana ay magkaroon siya ulit dahil ‘pag hindi ay baka tuluyan na nga siyang lumipat sa GMA 7, ‘di ba? Rommel Placente