John Prats, napamura sa BL project!

John Prats, napamura sa BL project!

February 3, 2022 @ 2:55 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Gabi-gabing umeere through Kumu ang Truth or Dare, ang benefit interactive show mounted by ABS-CBN para hatiran ng tulong  partikular ang mga biktima ng bagyong Odette.

To give it a light touch ay niaisip ni Carlo Aquino na gawan ng prank si John Prats.

What Carlo’s naughty idea was ay tawagan si John para alukin ng film project kasama siya. More or less, this is how the phone convo went with Carlo giving John a call:

“Direk Pratty, gising ka pa ba? Mabilis lang ito. Okey lang ba sa ‘yo na gumawa tayo ng movie?”

Umoo agad si John bago pa man idinetalye sa kanya ni Carlo what the movie’s all about.

Patuloy ni Carlo, “Kaso, direk Pratty, BL (Boy’s Love na usung-uso ngayon) ‘yon. Ka-love triangle natin si Stefano Mori.”

Shocked si John na napamura tuloy, “Put…ina, totoo ba ‘yan?!”

Hindi napangatawanan ni Carlo ang prank, inamin niyang pine-playtime lang niya si John.

“Direk, prank lang ‘to. Nasa Kumu ka, mag-hi ka naman sa kanila.”

But come to think of it, casting John and Carlo at their age now in a BL film would be a nice idea, wouldn’t it be? Ronnie Carrasco III