‘John Regala’ tiklo sa shabu, illegal detention sa bebot sa QC

‘John Regala’ tiklo sa shabu, illegal detention sa bebot sa QC

December 15, 2021 @ 6:51 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Matagumpay na nasagip ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang babae na  kinulong ng  isang drug supect na kapangalan ng isang kilalang aktor  kaninang madaling araw sa nasabing  lungsod

Kinilala PLTCOL Jeffrey Bilaro, hepe ng Holy Spirit Police Station (PS 14) ang suspek na si John Regala, 55 anyos, residente ng  Brgy. Pasong Tamo, Q.C.

Si Regala ay naaresto pasado 12:00 ng madaling araw (December 15), sa No. 285, Tandang Sora, Brgy. Pasong Tamo, sa lungsod.

Sa ulat nagpasaklolo  ang isang nagpakilalang  Rommel Apo, 41, sa mga pulis  dahil sa hindi malamang dahilan ay puwersahang ikinulong umano ng suspek ang biktimang si Fatima Garcia, 31, sa No. 285, Tandang Sora, Brgy. Pasong Tamo, sa lungsod.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at naaresto ang suspek at na-rescue ang biktima.

Nakumpiska sa suspek ang humigit kumulang sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng  P102, 000, isang sachet ng marijuana, ice pick at drug paraphernalia.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa  R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Article 267 o Serious Illegal Detention Center laban  kay Regala. Jan Sinocruz