John Rendez, natuwa sa pagbabati ng mag-inang Ate Guy at Ian!

John Rendez, natuwa sa pagbabati ng mag-inang Ate Guy at Ian!

January 2, 2022 @ 8:55 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Family will always be family.

Ito ang aral na iniwan ni Ian de Leon bago namaalam ang taong 2021.

Nakakatuwa kasing malaman na bago sinalubong ang 2022 ay nagkaayos na sila ng inang si Nora Aunor.

Naganap ang pagdalaw ni Ian kasama ang asawa’t dalawang anak sa Superstar nitong December 30.

Matatandaang nagkaproblema ang mag-ina nang isnabin ni Ian ang inihandang 45th birthday celebration para sa anak noong December 11 last year.

Among Nora’s kids, tanging si Kenneth lang ang sumipot sa Alfredo’s Restaurant, ang venue ng okasyon.

Sa vlog ni Ian na The Bitter Truth two days after his birthday, napag-alamang his reason for his no-show ay dahil daw ayaw niyang magamit sa publisidad ng ina who had an MMFF entry, ang Isa Pang Bahaghari.

Dahil all’s well that ends well na sa pagitan ng mag-ina, maging ang long-time companion ni Nora na si John Rendez ay natuwa sa reconciliation.

Pero ayon naman sa ibang showbiz observers, magiging ganap lang ang harmony sa pamilya ni Nora kung pati iba niyang mga anak ay makakasundo niyang muli. Ronnie Carrasco III