John Wall sabik nang maglaro sa LA

John Wall sabik nang maglaro sa LA

July 11, 2022 @ 1:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines —  Sinabi ni five-time All-Star guard John Wall na sabik na siyang maglaro sa Los Angeles Clippers matapos pumirma ng kontrata sa koponan.

Tumanggi ang Clippers na ibunyag ang mga detalye ng kasunduan, pero ayon sa agent ni Wall, ang deal ay nagkakahalaga ng $13.2 milyon sa loob ng dalawang taon.

Matatandaang kamakailan ay sumang-ayon ang 31-year-old na si Wall sa $6.5 million buyout sa Houston Rockets. Bagama’t nasa kontrata sa Houston noong nakaraang season, hindi naglaro ang 6-foot-3 veteran.

Ang presidente ng operasyon ng basketball ng Clippers na si Lawrence Frank ay tinawag si Wall isa sa mga mahusay na driver at attacker bukod pa sa magaling sa shooting. Magdadagdag siya ng lalim sa aming backcourt sa kanyang initiating, passing at point-of-attack defense.”

Noong nakaraang season, nabigo ang Clippers na mag-qualify sa playoffs, na nagtapos sa ikawalong pinakamahusay na rekord sa Western Conference (42-40) ngunit dalawang beses natalo sa play-in competition.RICO NAVARRO