Joint administrative order sa  farm-to-market roads, titintahan ni PBBM ngayong Disyembre

Joint administrative order sa  farm-to-market roads, titintahan ni PBBM ngayong Disyembre

December 6, 2022 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang tintahan ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang joint administrative order para sa pagtatatag ng  farm-to-market roads  ngayong buwan.

“FMR approved na. Mayroon na tayong national timetable,” ayon kay Pangulong Marcos matapos ang kanyang maikling pulong sa mga opisyal ng  Department of Agriculture (DA).

“Lahat ng agencies that are involved, departments that are involved will be signing… by December, before the end of the year, para ma-approve na ang plano para sa pag-construct ng FMR,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Ani Pangulong Marcos, ang  joint administrative order hinggil sa  farm-to-market roads  ang magtatatag ng mga alituntunin para ang lahat ng  FMRs ay interconnected sa ibang  infrastructure projects.

“This will ensure efficiency in the delivery of services and enhance agricultural programs,” ayon sa Pangulo.

Ang  joint administrative order ay kabilang sa  Departments of Agriculture, Public Works and Highways, Interior and Local Government, Trade and Industry at Tourism.

Sa kabilang dako, sinabi ng Malakanyang na  “as of October” ngayong taon , may kabuuang  43,223.17 kilometers ang ipinanukala para sa FMR projects.

” There is a requirement of 131,410.66 km (110ha/km) of the country to cater to the 14 million hectares of production areas for agriculture and fisheries,” ayon sa ulat.

“As of October 2022, a total of 67,255.46 FMR were completed, leaving a backlog of 64,155.20 kilometers,” ayon pa rin sa Palasyo ng Malakanyang.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na  ang FMR masterplan ay magsisilbi bilang gabay para sa pamahalaan sa pagpo- promote ng  “food security at empowering rural communities.”

Ang  masterplan aniya ay dapat na kinabibilangan ng  regional maps na  magtuturo sa eksaktong lokasyon ng  farm-to-market roads  na itatayo. Kris Jose