Joint maritime patrols ng Pinas,  Australia, sinisilip

Joint maritime patrols ng Pinas,  Australia, sinisilip

February 17, 2023 @ 10:24 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Posibleng magkaroon ng joint maritime patrols sa  South China Sea sa pagitan ng Australia at Pilipinas.

“I think there will be conversations about that. I’m not in a position to say a definite yes right now. But the cooperation between two military forces [is] very close already,” ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu sa isang  panayam.

Ani Yu, ang  defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa ay “deep and has been ongoing for many years” at tinukoy ang naging partisipasyon ng Pilipinas sa Enhanced Defense Cooperation Program ng Australia.

Ayon sa embahada ng Canberra sa Maynila, nakipagpulong ang mga Australian defense official sa kanilang  local counterparts para maging kabahagi ng joint military drills na magpapataas sa tiwala at kumpiyansa sa hanay ng defense forces na “may have to work together in global and regional contingencies, such as peacekeeping or disaster relief.”

Binanggit din ni Yu ang  pagkakaugnay ng Pilipinas sa annual Indo-Pacific Endeavor, flagship regional engagement activity ng Australia na naglalayong palakasin ang  partnership, partikular na sa Southeast Asia.

Maraming bansa naman ang sumuporta sa Pilipinas sa gitna ng kamakailan lamang na naging aksyon ng China sa West Philippine Sea,  lalo na ang paggamit ng Beijing’ ng  military-grade laser laban sa tropa ng Pilipinas sa  Ayungin Shoal.

Nanawagan naman si Yu na tapusin na ang “provocative and unsafe behaviors” sa pinagtatalunang katubigan.

Ipinahayag naman nito ang patuloy na pagsuporta ng Australia para sa  2016 arbitral win ng Pilipinas sa The Hague.

Kinikilla ng Australia ang sovereign rights ng Pilipinas sa mga lugar na nasa  loob ng  200-nautical mile exclusive economic zone, at binasura ang patuloy na pag-angkin naman ng China sa South China Sea. Kris Jose