Joint maritime patrols ng US at Pinas sa WPS pinaplantsya na

Joint maritime patrols ng US at Pinas sa WPS pinaplantsya na

January 25, 2023 @ 8:06 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isinasagawa na ang pag-uusap ukol sa maritime cooperation sa  pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kabilang ang posibleng magkasanib na pagpapatrolya sa West Philippine Sea, ani Manila Ambassador Jose Manuel Romualdez.

Sa isang panayam sa sideline ng Makati Business Club board meeting, sinabi ni Romualdez na ang joint patrols kasama ang US ay kabilang sa mga paksang patuloy na pinag-uusapan ng mga opisyal ng depensa at foreign affairs ng dalawang bansa.

“We will continue to improve that [military] alliance including the joint patrols if we need to do that, but as I’ve said the cooperation between the Philippines and the United States is very solid,” ayon pa kay Romualdez.

Sa kabila ng pagsisiguro ay hindi na inilathala ng envoy ang iba pang detalye.

Sinabi naman ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ang kasunduan na magsagawa ng magkasanib na patrol sa pagitan ng Manila at Washington sa pinag-aagawang South China Sea ay inaprubahan noong 2016 ng Pilipinas at US, ngunit ang plano ay na-sleeve noong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte. RNT